Babae ka -Ni Ani Montano

NOVEMBER 18, 2021

MACANAS, FAITH EMILY T. 

BSCRIM 2-D


Pagtataya


1. Paano inilarawan ang babae sa awit?

--Nailarawan dito ang pagbigay inspirasyon na may maipapakitang kakayahan ang mga babae, na dapat mapatunayan nila sa mga tao na hindi sila mahina at kaya nila ang mga bagay na kaya ng mga lalaki. Dahil may nakatagong kakayahan ang babae, hindi lang ito naipapakita noong unang panahon dahil sa pagmamaliit sa kakayahan ng mga babae.



2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.

--Hindi ako sang-ayon dahil habang tayo'y nabubuhay may pakinabang ang bawat isa dito sa mundong ating ginagalawan, pangit man o maganda dahil sa mata ng Diyos tayo'y pantay-pantay at  habang tayo'y nabubuhay nagkakaroon tayo ng kaalaman sa buhay dahil ang bawat isa sa atin ay nakararanas ng pagsubok at problema sa buhay at doon tayo napapatatag upang magpatuloy sa buhay at upang makamit ang mga  pangarap na inaasam-asam natin para sa magandang kinabukasan ng ating buhay.



3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.

--Isa na dito ang pagsali ng mga kababaihan sa sundalong pagsasanay, nagkakaroon ang mga babae ng karapatan at kalayaan dahil sa kagustuhan nilang mapabilang sa sundalo at ganun din nagkakaroon ng pantay-pantay na trato, pati na rin ang mga mahihirap na treyning.

--At ganun din nagkaroon ng kalayaan ang babae sa pagdesisyon at pagsali sa mga politika.

--Nagkaroon din ng Karapatan ang mga babae mamuno ng bansa at sa ano mang posisyon sa gobyerno.



4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?

--Ang payo ng may akda ng awit sa mga babae ay patunayan ng mga babae na maipapakita silang kakayahan upang maipaglaban nila ang kanilang Karapatan at kalayaan. Dahil sa mundong ito tayo'y pantay-pantay at tayo'y may pakinabang. At ganun din na wag  ipakita na mahina ka dahil, kapag nakita nila, mamaliitin ka nila.



5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?

--Ayon sa awit, ito ay ang mga araw na ang babae ay walang karapatan at kalayaan, na sila lamang ay nasa kani-kanilang mga tahanan na ang trabaho lamang ay tagapangalaga ng pamilya, kaya hindi naipakita ang halaga ng mga babae sa awit dahil noong unang panahon hindi nila naipapakita ang kanilang kakayahan dahil sa kawalan ng Karapatan at kalayaan ng mga babae. Sa kasalukuyan hindi na umiiral ang paghigpit sa mga babae dahil nagkaroon tayo ng batas na pakakaroon  ng karapatan pantao  dahil  ano  pa ang iyong kasarian, tayo'y pantay-pantay at may maipapakitang kakayahan ang bawat isa.



Mungkahing Gawain




Comments

Popular posts from this blog

Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng kahirapan