Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng kahirapan

OCTOBER 3, 2021

 MACANAS, FAITH EMILY T. 

BSCRIM 2D


1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?


- Ang sentral ng paksa ng sanaysay ay ang kalagayan o sitwasyon ng mga mahihirap na nakatira sa iskawter na kung saan bakit ang ang mga mangilanngilan na mga mayayaman ay nakikipag siksikan sa iskwater na kung saan nakatira ang mga mahihirap. Umaasa ang mga mahihirap na nakatira doon ng disenteng tirahan uoang makaalis sa siksikan na lugar na iyon. 



2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.


- Para sakin ay wala dahil ayon sa tekstong tinalakay ay ukol sa kanyang nakikita niya sa paligid , obserbasyon, at kanyang naranasan. At kung meron man yun yung gobyerno n nangakong ededemolis ang mga bahay sa iskwater at may inaasahang itong lupa at titirahan ng mga nakatira sa iskwater ngunit hindi pa iyon na gagawa at iyo pa lang ang ang sabi ng gobyerno ngunit ang tanong kaylan nga ba?.



3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag


- Ang layunin ng akda ay sinasabi doon ay ang sitwasyon at buhay ng mga nakatira sa iskwater na kung saan hindi lamang mahihirap ang mga nakatira doon pati ang mga mayayaman na nakikipagsiksikan din sa masikip na lugar. At sinabi din doon kung gaano kahirap ang manirahan sa siksikang lugar na may nakikihalong mayayaman dahil ang dating payapa at masayang naninirahan na mga mahihirap ay naging isang maingay dahil sa mga naglalakasang tugtog galing sa mga naglalakihang speaker ng mga mayayaman.



4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?


- Ang sinasang-ayonan ko sa sanaysay, ito ay Bakit nga ba nakatira ang mayayam sa iskwater na kung saan pwede naman sila tumira sa disenteng lugar na kung saan sila nababagay. Tama nga naman dahil mayayaman sila, kilala silang may mga nagmamahaling mga kagamitan, sasakyan, at lalo na ang  naglalakihang bahay. Ang hindi ko naman sinasang-ayonan sa sanaysay ay ang gobyerno na idedemolis ang mga bahay ng mga nakatira sa iskwater at may nakahanda itong disenteng lilipatan, ngunit wala. Umaasa at naghihinay parin ang mga taong doon lalo  na ang mahihirap. Ang  pera siguro na para sana sa lupa at tirahan na lilipatan ng mga mahihirap ay naibulsa na ng mga korapsyon sa lipunan.



5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.


- Hindi ko masasabing ako ay mayaman at mahirap dahil ang mayaman ay may mga mahahaling mga kagamitan at sasakyan wala kami niyan, at ganon din ang mahirap ang alam kong Mahirap ay yung wala silang pang araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain at maayos tirahan. Masasabi kong nasa pagitan lamang ako ng mayaman at mahirap dahil napakasimple lamang ang aming buhay na meron maayos na tahanan na hindi naman kalakihan, meron maliit na negosyon na sakto laman sa pang araw-araw na pangangailangan. Kung ayon sa teksto nakakaugnay ito sa buhay na gusto na gusto ko  kung tutuusin kapag ako ang nakatira sa iskwater na may mga nakikipagsiksikan na mayayaman ay gugustuhin ko ring umalis sa lugar na iyon na ang nakapagpapabulog ay ang mga tugtog ng mga mayayaman.

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.


- Mahalaga ito dahil sa pagkakaalam nating mga hindi nakaranas ng nakatira sa iskwater ay mahihirap lamang. Ngunit ayon sa pagtalakay ng sanaysay sa konsepto, nalaman natin na hindi lamang mahihirap ang nakatira sa iskwater kundi pati mangilanngilan na  mayayaman din pala ang nakikipagsiksikan sa lugar at nakabubulabog sa kapaligiran na mga tunog galing sa mga naglalakasang mga tugtug . Nabago nito ang aking pananaw sa iskwater dahil ang alam kong iskwater ay ang mga nakatira doon mahihirap, maingay galing sa mga tao at siksikan. Nagbago lamang ito dahil dito sa tekstong ito na ISKWATER, nalaman ko na may mayayaman pala na nakatira sa iskwater dahil sa mga mamahalin nilang mga speaker aang siyang nag-iingay ngayon sa lugar.



7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.


- maiuunay ang teksto sa realidadng lipunan sa kasalukuyan dahil sa panahon ngayon ay bawal na ang lumabas ng bahay  na dapay manatili lamang sa mga tirahan. Kung sa siwtasyon ngayon maaaring naiinip ang mga mayayaman ngayon at pwede silang magpatugtug ng mamalalakas na at  nabubilabog ang mga nasa kapaligiran nila dahil sa mga malalakas na tugtug isa sa mga maaapektuhan dito ay ang mga nag aaral mapa module man o online.








Comments

Popular posts from this blog

Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez