Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

MACANAS, FAITH EMILY T.

BSCRIM 2-D


Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales



1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may akda sa pamagat?

-- Sinasabi sa pamagat na ang pagiging bakla ay pagkabayubay rin sa krus ng kalbaryo na ang ibigsabihin, na ang pagiging bakla ang napakahirap dahil saan kaman magdako o pumunta tila'y pinapako ka sa kasalan dahil sa iyong kasarian, maraming tao ang nakapalibot mapa pamilya mo man o kaibgan nandyan ang panghuhusga, pang-aapi, at kahihiyan na kung saan napakahirap mamuhay ng payapa dahil sa kasarian na meron ka ito ay ang pagiging bakla.



2. Sino ang sinasabi sa tulang iba't- ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?

-- Ang iba't-ibang mukha na sinasabi sa tula ay ang mga bata, matanda lalaki, babae,ina, ama, anak o kapatid, mayaman o mahirap, kakilala o di-kakilala. Sa Bata ito'y kapag sila ay nakakita o may nakasalubong na bakla ay inaapi nika ito na ang sinasabi " Ah bakla, bakla" o "bayot" sabay turo. Ang matanda ay tutol sila sa pagiging bakla dahil ayaw nila na mayroong bakla sa buong angkan ng pamilya nila. Ganun din ang lalaki, sila yung mga naguhustuhan ng mga bakla, minsan niloloko lang nila ito at hindi nila kinakaibigan ang bakla dahil baka magustohan sila ng nito. Ang babae sila yung tinatarayan ang mga bakla at hinuhusgahan sa mga pananamit nito. Ang ina ay karamihan sila yung tagapagtanggol at minsan may mga ina na tutol sa kung ano ang kasarian ng kaniyang anak dahil ayaw nila na inaapi ng mga kapitbahay. Ang ama naman ay sila yung mga napakahirap na sitwasyon kapag nalaman niyang bakla ang kaniyang anak dahil gaya sa matanda ayaw niya ng bakla sa pamilya, At ganun din napapahirapan ang ang na bakla sa ama dahil sa pananampal at pagbubugbog nito. Ang anak o kapatid naman sila yung ikinakahiya na bakla ang ama o kapatid dahil baka sila ay asarin o apihin sa eskwelahan. Mayaman o mahirap hindi mawawala ang pang hihusga nila ganun din ang kakilala o di-kakila sila lang naman yung napapadaan ka lang ipagbubolungan ka nila at ipag chichismisan da sa iyong suot o ano ang iyong kasarian. Sa lipunang puno ng mapanghusgang tao mapa pamilya mo man ay hihusgahan ka dahil sa iyong kasarian, wala namang taong hindi humantong sa hirap buhay na ito, tayo'y ibat ibang ang paghihirap na nararanasan sa ating buhay, kaya bago tayo humusga sa tao tignan muna natin ang ating sarili at kung tayo man ay huhusga idaan natin sa magandang paraan gaya ng pagtatama.



3. Tukuyin ang mga sunasabi sa tulang Likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala. 

--Ang Likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala na sinabi sa tula, ito ay ang hindi pagrespeto sa mga bakla o nagkakaroon ng diskriminasyon, at pang-aabuso sa mga bakla at ganun din ang hindi pagka pantay-pantay na trato. Ang bulok na paniniwala naman ito yung sinasabi nilang na ang bakla ay salot sa lipunan ngunit nagkakamali sila dahil maraming propesyunal na mga bakla ang gumanda ang kanilang buhay dahil sa pagsisikap nito kahit may mga taong nang-aapi sa kanila sila parin ay nananatiling matatag dahil sa pangarap. Bumuo din sila ng organisasyon upang ipagtanggol ang kanilang karapatan at para mawala ang diskriminasyon dito sa mundo.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

Iskwater Ni Luis G. Asuncion Mula sa Ani: Panitikan ng kahirapan