Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez

SEPTEMBER 15, 2021

MACANAS, FAITH EMILY T.
BSCRIM 2-D


 I


Sa tulang 'Isang Dipang Langit' ginagamitan ito ng teoryang Bayograpikal dahil kung ating sisiyasatin o iintindihin  ang bawat letra at ang salitang ginamit sa tula ni Amado Hernandez, isinasalaysay niya doon ang kanyang buhay at karanasan sa kulungan. Ipinapakita o isinasalamin dito ang kanyang paghihirao at paghihinagpis na kanyang dinanas. At kung ating mapapansin sa unang saknong ng tula ay talaga namang napakabigat at napakatindi ng kanyang dinanas. At kung napapansin din natin unti-unting nagbabago dahil isinasalaysay niya sa kanyang pagpasok sa bilanggoan, hanggang sa kanyang naranasan ang paghihirap at mga nakikita niya sa kaniyang kapaligiran, pero bandang huli nandon ang kanyang pinaghahawakang pag-asa , kahit bawat paghihirap na kanyang dinanas ay hindi hadlang sa kanya ang mga yun dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan at paniniwala ay nagkakaroon siya ng pag-asa.



Hindi hadlang ang paghihirap at paghihinagpis sa kulungan para mawalan ng pag-asa. Ang pagmamahal sa bayan ay siyang nagbibigay at nakakaroon pag-asa sa ating buhay.


Ang aking napiling saknong ay ang pinakahuling saknong sa ayon sa pagkakasulat ni Amado Hernandez simula unang saknong, kahit anong paghihirap ang kanyang dinanas hanggang sa huli ay talaga namang hindi siya nawalan ng pag-asa kundi pinanghahawakan pa ito para sa bayan at sa kanyang paglaya.





--At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, 
sisikat ang gintong araw ng tagumpay ....
Layang sasalubong ako sa paglaya!'

Ang aking napiling saknong ay ang pinakahuling saknong sa ayon sa pagkakasulat ni Amado Hernandez simula unang saknong, kahit anong paghihirap ang kanyang dinanas hanggang sa huli ay talaga namang hindi siya nawalan ng pag-asa kundi pinanghahawakan pa ito para sa bayan at sa kanyang paglaya.






II


Si amado hernandez ay isinilang noong Septyembre 13, 1903, isa siyang pinakatanyag na manunulat sa ating bansa, kilala rin siya pagdating sa pagsulat at kilala siya sa mga kritisismo patungkol sa panlipunang hustisya.At siya ay sumali sa kilosang partido ng komunista na nagresulta sa kanyang pagkakakulong at habang siya'y nasa piit sa bilangguan sa muntin Lupa at dito na naisulat ang tulang 'Isang Dipang Langit'.





III- MAIKLING KWENTO NG 'ISANG DIPANG LANGIT'


Sa apat na sulok ng bilangguan na madilim, maingay, masikip, at sa harapan nito ay mga bakal na nakapalibot. Isang lalaking meyembro ng partido ng kumunista ang nakulong ito ay nagngangalang Amado. Nakaupo siya sa isang sulok na kung saan nag-iisip at inuubserbahan ang paligid. Nakita ni Amado ang mga tagabantay sa labas ng silid ng kulungan na ang tatalas ng mga tingin animo'y malulunod si a
Amado sa mga tingin naiyon. Halo-halo ang mga naririnig nii Amado, nandito ang ingay, hikbi, gulo sa bilangguan. Kaya dito naranasan ni Amado ang paghihirap at paghihinagpis dahil sa kabila'y  siya'y buhay pa, pero parang ituring siyang parang patay na rin. Buwan ,araw at taon ang lumipas na paghihirap ni Amado hindi siya nagpadaig sa mga paghihirap na kanyang mga dinanas dahil si Amado ay may pinanghahawakang pag-asa  na nag aalab niyang pamamahal sa bayan at dito nagkaroong si amado ng kalayaan.





Comments