SANAYAN LANG ANG PAGPATAY
MACANAS, FAITH EMILY T.
BS-CRIMINOLOGY 2-D
GABAY SA PAGSUSURI
1.Sino Ang personang nagsasalita sa tula?Ano ang kanyang sinabi?
- Ang personang nagsasalita sa tula ay ang taong mahilig o nakasanayang pumatay ng hayop na gaya ng nasa tula na butiki, ipis, gagamba at iba pa na ikinaiinisang nakikita o dikaya gusto niya lamang pumatay ng wala dahilan. Sinasabi ng taong ito na sanayan lang ang pagpatay, na gaya sa butiki na minsang ikaw ang nakakapatay, na minsang ang iba, ganun din yung hindi sinasadya o nagkataon lamang.
2. Anong hayop ang pinaslang sa tula? Paano ito natutulas sa pagpaslang sa tao?
- Ang hayop na pinapaslang sa tula ay ang butiki na walang kamuwang muwang na pinapatay ng walang magawa kundi pagtirisan ang hayop na walang ginagawa sa kanila. Natutulad ito sa pagpaslang ng tao na kung saan kahit kapwa pa nila ay napakadali lamang aa kanila ang pumatay. Nabuhay tayong mga tao dito sa mundo upang mabuhay ng mapayapa , hindi yung tao din ang papatay sa kapwa tao, pwera na lamang kung ito ay amy nagawang masasama sa kapwa, at disinasadya o nagkataon lamang pangyayaring pagpatay.
3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
- "Habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanood" Ang ibig ipahiwatig ng huling taludtod na ito ay kung ibabase sa tula ay halimbawa nakita mo ang batang tinitiris o pinapatay ang butiki, pero baliwala mo lang iyon, ngunit dapat mo itong pagbawala you dahil kapag nasanay ang bata na pumatay ay ito ay makakasama sa kanya dahil maiisip ng batang iyon na napakadali lang pumatay at baka itoy igaya niya sa tao. Kung ibabase sa tao ang ipinapahiwatig ng taludtod ay napaka walang hustisya iyon dahil kapag nakita mo ang taong pumatay sa lalaki at pinanood mo lang. Ikaw sana na nakakita ay sabihin mo agad sa pulisya ang totoong nangyari upang magkaroon ng hustisya sa pagkamatay ng lalaki at ganun din ang pamilya.
4. Kanino inaalay ng may akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
- inaalay ng may akda ang tula sa mga gaya kong mga mambabasa upang sa ganun malaman namin ang mga ara na kung saan ano ang tama at mali sa gawaing pagpaslang sa butiki na maihahalintulad sa pagpaslang ng taon na kung tutuusin dapat tayong mga tao ay alam ang tama at mali dahil kung alam na natin ang mga ito hindi natin magagawa ang mga bagay na siyang hindi dapat natin sanaying gawin, mapa hayop man o tao.
MUNGKAHING GAWAIN
1.Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyo.Matapos ay gumawa ng maikling reaksyon papel hinggil sa kasong nasaliksik.
- Sa administrasyong duterte , ipinahuhuli niya ang mga ginagamit ng droga, marami rin ang napaslang dahil sa paglaban na mga ginagamit ng droga. May mga inosente ring nadadamay o napagkakamalang ginagamit ng ipinagbabawal na gamot. Dahil sa droga nagiging bayolente ang mga taong ginagamit nito, dahil sa masamang epekto sa katawan lalo na sa utak na ikinababaliwan at ikinababayolente ng tao, ipinapaliit ng droga ang utak ng tao kaya nakakagawa sila ng masasama at nakakapaslang silanna hindi nila namamalayan dahil sa epekto ng gamot. Rumami ang kaso ng pagpaslang ng mga nakagamit ng droga, kaya naman si pangulong duterte ipinahuli niya ang mga ginagamit ng ipinagbabawal na gamot upang saganun maalis ang masamang bisyong ito at para mabawasan ang mga krimen.
REPLEKSYONG PAPEL
- Sa administrasyong ito, masasabi kong tama rin na ipinahuli ng pangulo ang mga gumagamit ng droga dahil kung hindi ito nangyari siguro ang pilipinas ngayon ay magulo dahil sa mga bayolenteng epekto ng droga sa tao. May mga mangilan-ngilan ding inosenteng nadamay sa mga operasyon ng polisya nagkaroon naman ito ng solusyon at siguro rarami pa ang mga namamatay kung hindi ito nasulusyonan agad ng pangulong duterte.
4.Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa ibat ibang isyu ukol sa karapatang pantao.
- Kapangyarihan ng Gobyerno'y malakas
Karapatang pantao ang ating alas
Libreng edukasyon ating pahalagahan
Ito ay nagbibigay ng kaalaman
Pagkain, hanapbuhay hindi makuha
Dahil sa gobyernong wala namang kusa
Ang taong bayan ang nagiging kawawa
Gobyernong napakahirap umunawa
Karapatang tao'y pahalagahan
Upang tayo ay magkaunawaan
Bawat isa'y may sariling kaligayahan
Kaligayahan ang ating kalayaan
Comments
Post a Comment