Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez
SEPTEMBER 15, 2021 MACANAS, FAITH EMILY T. BSCRIM 2-D I Sa tulang 'Isang Dipang Langit' ginagamitan ito ng teoryang Bayograpikal dahil kung ating sisiyasatin o iintindihin ang bawat letra at ang salitang ginamit sa tula ni Amado Hernandez, isinasalaysay niya doon ang kanyang buhay at karanasan sa kulungan. Ipinapakita o isinasalamin dito ang kanyang paghihirao at paghihinagpis na kanyang dinanas. At kung ating mapapansin sa unang saknong ng tula ay talaga namang napakabigat at napakatindi ng kanyang dinanas. At kung napapansin din natin unti-unting nagbabago dahil isinasalaysay niya sa kanyang pagpasok sa bilanggoan, hanggang sa kanyang naranasan ang paghihirap at mga nakikita niya sa kaniyang kapaligiran, pero bandang huli nandon ang kanyang pinaghahawakang pag-asa , kahit bawat paghihirap na kanyang dinanas ay hindi hadlang sa kanya ang mga yun dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan at paniniwala ay nagkakaroon siya ng pag-asa. Hindi hadlang ang paghihirap at paghihinagpis s...